Pagtatayo ng mga school building na higit sa apat ang palapag, pinag-aaralan ng isang senador

Pinag-aaralan ni Senator Sherwin Gatchalian ang posibleng pagpapatayo ng mga school building na higit sa apat ang palapag.

Layunin ng isusulong na panukala na matugunan ang problema sa kakulangan sa silid-aralan lalo’t ngayong nagbalik eskwela na ang lahat ay ito ang pangunahing problemang nakita.

Ayon kay Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Basic Education, maaaring lagyan ng mga elevator ang ipapatayong paaralan na may higit sa apat na palapag upang hindi rin mahirapan sa pagakyat ang mga estudyante at mga iaakyat na kagamitan kung nasa 5th o 6th floor.


Tinukoy ng senador na malaking hamon sa pamahalaan ang pagpapatayo ng mga klasrum sa urban areas dahil masyadong mahal ang presyo ng lupa.

Bagama’t hindi pa masyadong marami ang mga mag-aaral sa mga lalawigan, sa mga siyudad naman ay umaabot sa 50 hanggang 60 ang bilang ng mga estudyante sa bawat silid-aralan.

Facebook Comments