Pinamamadali ni Quezon City Representative Alfred Vargas ang pagapruba sa panukala na pagtatayo ng mga multipurpose gym sa lahat ng lokal na pamahalaan upang magamit bilang mga evacuation center sa panahon ng kalamidad.
Ito anya ay upang mas madali ang trabaho ng mga emergency rescue personnel at maging accessible sa mga evacuees.
Nakasadaad din sa panukala na dapat pumasa sa mga safety requirements ang gagagawing gym.
Dapat anya ay kaya nitong tumindig sa mga natural o man-made disasters tulad ng hangin na nasa 155 miles per houer at magnitude 7.2 na lindol.
Kailangan din na ang evacuation gym ay mayroong lugar para sa mga recreational activities ng mga evacuess at sleeping quarters.
Ang pagkakaroon anya ng evacuation gym ay upang maalis na rin ang nakagawian na gawing evacuation centers ang mga public school tuwing may kalamidad dahilan upang maapektuhan ang mga estudyante.