Ito ang inihayag ni Ginoong Boyet Taguiam, presidente ng meat section ng Cauayan City private palengke sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.
Ayon kay Ginoong Taguiam, matagal na aniya nila itong problema at idinulog sa mga kinauukulan maging sa pamunuan mismo ng Primark Palengke.
Ipinaliwanag nito na kaya nagiging matumal ang kanilang bentahan ay dahil sa mga nagsulputang Talipapa na nakahilera at pwesto mismo sa labas ng pribadong pamilihan kung saan hindi na pumapasok ang mga mamimili sa loob ng palengke dahil diretso na silang bumibili sa mga nakikitang Talipapa.
Wala naman aniyang problema sa mga nagtatayo ng Talipapa dahil gusto lamang din ng mga ito na kumita at sila’y lisensyado pero dapat aniya ay malayo ang mga ito sa naturang pamilihan.
Katunayan rin ani Taguiam ay wala pang ginagawang aksyon ang lokal na pamahalaan ng Cauayan maging ang pamunuan ng Primark kaya’t umaasa siya na mapansin at matugunan ito sa lalong madaling panahon.
Samantala, naglalaro ngayon sa presyong P280-P300 ang kada kilo ng karne ng baboy, mas mababa kumpara sa mga naunang presyo na P300 – P320 per kilo.