Aprubado na ng National Economic and Development Board o NEDA board ang pagtatayo ng Dalton Pass East Alignment Road Project sa Central Luzon.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang proyekto at pangungunahan ng Department of public works and highways na gagastusan ng 67.4 bilyong piso.
Magkakaroon ito ng apat na lanes at may habang 23 kilometers.
Ito ay magsisilbing by-pass road sa Dalton Pass na nagkokolekta sa Nueva Ecija at alternatibong daan kapag isinasara ang mga pangunahing kalsada sa gitna ng mga kalamidad.
Inaasahang makukumpleto ang proyekto sa taong 2031 at makakatulong para mapabilis ang transportasyon at paghahatid ng mga produkto art serbisyo sa Central Luzon.
Samantala, aprubado na rin ng NEDA board and masterplan on high standard highway ng DPWH.