Nilinaw ng Pamahalaan hindi puro Chinese nationals lamang ang nakikinabang sa mga trabahong binuksan dahil sa mga infrastructure projects ng Pamahalaan.
Sa briefing sa Malacañang, ay sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, sa ngayon ay aabot lamang sa 178 ang mga Chinese nationals na nagtatrabaho na maituturing na highly technical at nagtatrabaho sa ilang proyekto ng gobyerno.
Kabilang aniya dito ang Chico River Pump Irrigation Project na mayroong 85 highly technical Chinese workers habang ang natitirang 88 ay nasa Estrella-Pantaleon at Binondo-Intramuros bridge na parehong pinopondohan ng China.
Binigyang diin ni Lambino na base sa Labor Code ng bansa ay limitado lamang sa mga highly technical positions ang maaaring ibigay sa mga foreign workers sa bansa.
Sinabi din nito na patuloy na nakikipagugnayan ang Pamahalaan sa mga Local Government Units sa mga contractors para masunod ang labor code upang mga local workers para magtrabaho sa mga infrastructure projects kabilang na dito ang Kaliwa Dam.