Pagtatrabaho sa abroad ng mga health worker, dapat nang kontrolin ng pamahalaan ayon sa PHAPI

Pag-a-abroad ang isa sa pinakapangunahing rason ng paghina sa workforce ng mga nasa hanay ng healthcare gaya ng nurses.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) President Jose Rene de Grano na numero uno ito sa dahilan kung bakit malaki ang nawawala sa bilang ng mga healthcare workers sa bansa.

Kaya para kay De Grano, panahon na aniya para gumawa ng hakbang ang pamahalaan para mahinto ang tuloy-tuloy na pangingibang bayan ng mga nasa medical field.


Dapat na aniya itong kontrolin ng gobyerno kasabay ng paglilinaw na hindi naman sila tutol sa pagtatrabaho ng mga Filipino sa ibang bayan.

Ang maaaring gawin aniya ay makontrol muna ang paglabas sa bansa ng mga nasa medical community ng sa ganun ay hindi naman maubusan ang bansa ng mga nasa workforce ng healthcare.

Facebook Comments