Mga Pinoy na walang employment documents sa Sabah, Malaysia, muling babalikan ng Philippine Embassy

77

Muling babalikan ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur ang mga Pilipino sa Sabah, Malaysia na wala pang passport at overseas employment certificate.

Partikular ang Filipino community sa Kota Kinabalu, Sabah, na bibisitahin ng embahada sa August 09 hanggang 13.

Ito ay matapos na pumayag ang mga otoridad sa Sabah sa kundisyong mahigpit na ipapatupad ang health at safety protocols sa consular mission.


Kasama sa ipo-proseso ng Philippine Embassy ang passport ng anak ng Pinoy workers sa Kota Kinabalu.

Facebook Comments