Inalmahan ng pamahalaan ang ulat ng isang media outlet sa Thailand makaraang tawagin ang Pilipinas na “Land of COVID-19”.
Ang report ay inilabas matapos makumpirma na nalampasan na ng bansa ang Indonesia sa bilang ng COVID-19 cases.
Sa kanyang open letter sa editor-in-chief ng pahayagan, ipinarating ni Philippine Consul General to Bangkok Val Simon Roque ang pagkadismaya ng Pilipinas sa insidente.
Tinawag ng gobyerno ang characterization ng Pilipinas bilang “inappropriate, insensitive, at unhelpful” sa panahon kung saan ay dapat nagtutulungan ang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Mababatid na naisulat ang headline sa lenggwahe ng mga Thai, at kapag isinalin sa wikang Ingles ay mababasa ito bilang “165 Filipino teachers who arrived in Thailand from the land of COVID-19.”
Kinwestyon rin ito ng British expat na si Richard Barrow, na dalawang dekada nang naninirahan sa Thailand, kung bakit kinailangan ng pahayagan na tawagin bilang “Land of COVID-19” ang Pilipinas.