Umalma ang Kalikasan People’s Network for the Environment sa pagtawag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda na “bayaran” ang mga UP scientist.
Ayon kay Gia Glarino, research coordinator ng Kalikasan, bilang opisyal ng gobyerno, dapat ay bukas si Antiporda sa rekomendasyon ng scientists at marine experts lalo na’t kung nakabase naman ito sa siyensya.
Aniya, mas mainam na mag-resign na lang si Antiporda dahil walang puwang ang katulad niyang balat-sibuyas sa gobyerno.
Dagdag ng grupo, suportado nila ang mungkahi ng UP scientists na magtanim ng bakawan o mangrove forests upang maibalik sa dati ang kalidad ng tubig ng Manila Bay.
Facebook Comments