Pagtawag ni Lizada na destabilisasyon ang transport strike, exaggerated – PISTON

178

Manila, Philippines – Tinawag na OA ni PISTON National president George San Mateo ang pahayag ni LTFRB Board member Aileen Lizada na bahagi ng destabilisasyon sa administrasyong Duterte ang dalawang araw na pambansang transport strike ng grupong PISTON.

Ayon kay San Mateo, eksaherado ang pahayag ni Lizada.

Hindi aniya niya alam na bahagi na pala si lizada ng PNP Intelligence Group.

Naniniwala si San Mateo na diversionary tactics na lamang ang depensa ng administrasyon para mapagtakpan ang isyung ipinupukol dito.

Facebook Comments