Pumalag si dating Senador Antonio Trillanes IV matapos na tawagin ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso si Vice President Leni Robredo na isang “fake leader.”
Ayon kay Trillanes, lumalabas na ang totoong kulay ni Moreno, pagdating sa usapin ng pulitika.
Banat ng dating senador, lahat ng ipinapakita ni Morena na batikos sa kasalukuyang administrasyon ay hindi totoo dahil sa simula pa lang aniya ay hindi naman siya naging oposisyon o administrasyon.
Aniya, halatang propaganda lamang ang ibinabato kay Robredo lalo na’t magkalaban sila sa presidential election.
Una na kasing binatikos ni Isko ang naging pahayag ng pangalawang pangulo na bukas siyang makipagtulungan sa ibang partido para labanan ang mga pambato ng Duterte administration sa 2022 election.
Giit ng alkalde ng Maynila, walang karapatan si Robredo sa isang unity talks lalo na’t hindi naman nito mabuklod ang kanyang sariling partido.