Pagtawag ni Pangulong Duterte sa Diyos bilang Stupido, Binatikos ng Samahan ng United Methodist Women!

Cauayan City, Isabela- Binatikos ng United Methodist Women Society of Christian Service si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong tawagin na stupido ang Diyos kamakailan sa isinagawang seminar sa Davao City.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Dr. Olive Beltran, ang bise presidente ng nasabing samahan at isang guro sa Isabela State University- Cabagan Campus ay isang napakalaking pagkakamali umano na tawaging stupido ang Diyos.

Dagdag pa ni Dr. Beltran, na kung ikukumpara ang kaalaman ni Pangulong Duterte tungkol sa Diyos ay para lamang itong isang butil ng bigas.


Ngayon din lamang umano nakarinig si Dr. Beltran mula sa isang Pangulo na halos isumpa nito ang Diyos at hindi pa umano nito naririnig sa mga ordinaryong tao na tawaging stupido ang Panginoon.

Dahil dito ay patuloy parin ang pag batikos ng naturang samahan laban sa pananalita ni Pangulong Duterte kung kaya’t sinabi ng samahan sa mga taumbayan na dapat ihalal ang isang lider na kayang irespeto ang Diyos at ang mga relihiyon.

Facebook Comments