Nagpaalala ang Philippine National Police sa publiko na ipinagbabawal ang pagtawid sa ibang bayan o lungsod ng mga mamimili ng essential goods habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, hindi papayagang tumawid ang mga konsyumer kahit may quarantine pass pa ang mga ito.
Aniya, mahigpit na babantayan ng mga pulisya ang bawat border para masigurong hindi makakatawid ang mga konsyumer na mamimili ng essential goods.
Giit ni Eleazar, ang tanging papayagan lamang na tumawid at lumabas ng National Capital Region (NCR) ay ang mga Authorized Persons Outside Residence (APORs).
Facebook Comments