Pagtaya ng lotto gamit ang cellphone at online, pinag-aaralan

Pinaplano ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na dalin sa online at text message ang proseso sa pagtaya ng lotto.

Kasabay nyan ang paglulunsad ng bagong sistema at bagong laro ngayong taon.

Ayon kay Roger Ramirez, manager ng project standard development department ng PCSO.


Layon nito na mapalaki ng 70% ang kita ng PSCO ngayong 2019 at para hindi na mahirapan sa pila ang mga mananaya.

Inihalimbawa ni Ramirez ang napakahabang pila sa mga lotto outlet noong nakaraang taon kung saan umabot ng bilyon ang jackpot prize.

Ayon kay Ramirez, plano rin nilang irihistro ang mga simcard na gagamitin sa pagtataya para sa seguridad at safety measure sa mga menor de edad.

Nilinaw ng PCSO na ito ay plano pa lamang at pinag-aaralan pa ang legal at technical aspect sa paggamit ng cellphone sa pagtaya ng lotto.

Facebook Comments