Sunday, October 11, 2026

Pagtestigo ni Ret. Sandigan Justice Tang, pinayagan pa rin ng Senate Impeachment Court

Tinanggihan ng Senate Impeachment Court ang mosyon ng depensa ni Vice President Sara Duterte (VPSD) na huwag payagan ang prosecution team na iprisinta ang kanilang testigo para sa Article 2 o ang pagkamal ng iligal na yaman at hindi tamang pagdedeklara sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng bise presidente.

Ngayong Day 24 ay umarangkada na ang pagtalakay ng prosecution panel sa Article 2 na ikatlo sa kanilang presentasyon kung saan iniharap nila bilang testigo si retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Si Tang ay testigo para ilahad ang mga principles ng undisclosed SALN, unexplained wealth at pagbabawal sa pagkakaroon ng business interest ng isang government official.

Sa kabila ng pagtutol ni Atty. Mark Vinluan ng defense team na ipaharap si Cabotaje-Tang sa witness stand dahil wala ito sa listahan ng mga testigo noong pre-trial at wala ring reservation sa kanya bilang surprise witness na isa umanong paglabag sa Senate impeachment rules.

Sinabi pa ni Vinluan na hindi naman naging Supreme Court (SC) Justice si Cabotaje-Tang kundi isang Sandiganbayan Justice at may mga desisyon ito noon na taliwas sa interpretasyon ng Korte Suprema.

Gayunman, pinayagan pa rin ni Senate Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero ang prosekusyon na iprisinta si Cabotaje-Tang at hindi kailangang ideklara ng korte kung eksperto ba o hindi ang nasabing testigo.

Paglilinaw naman ni public prosecutor Rep. Chel Diokno, para sa kanila sa prosekusyon sa ilalim ng Code of Professional Responsibility and Accountability, ang kanilang pangunahing tungkulin ay hindi para magpa-convict kundi makita na maipapatupad ang hustisya.

Facebook Comments