
Gagawin ng mga awtoridad ang lahat para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga narekober na labi sa MV June Aster sa Palawan.
Ito ay matapos umabot sa 76 ang mga kumpirmadong nasawing pasahero na narekober mula sa nasunog na barko.
Ayon kay PLt. Col Richard Allan Mangalip, commander ng Disaster Victim Identification team ng Philippine National Police (PNP) MIMAROPA Regional Forensic Unit (RFU), karamihan sa mga narekober ay sunog na sunog na ang mga labi.
Sa kabila nito, sisikapin pa rin daw nilang matukoy ang mga pagkakakilanlan kung saan dadalhin ang mga nakuhang specimen sa Camp Crame para sa pagsusuri.
Pero walang tiyak na timeline na ibinigay si Mangalip kung kailan lalabas ang resulta ng DNA testing lalo’t nagpapatuloy pa ang paghahanap sa Iba pang biktima.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pamilyang nawalan ng kanilang mahal sa buhay sa nangyarig trahedya.
Kahapon nang dumating sa Port of Borac sa Coron ang 41 na labing narekober mula sa nasunog na barko.
Samantala, tiniyak ni PCG Spokesperson Commodore Noemi Cayabyab na patuloy ang kanilang retrieval sa mga natitira pang mga biktima ng trahedya.










