Pagtitinda ng second hand cellphone sa Maynila, ipinagbawal ni Mayor Isko

Ipinagbabawal na sa lungsod ng Maynila ang pagbebenta ng segunda manong mobile phones, alinsunod sa kautusan ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Sa press conference na ginanap kaninang hapon, sinabi ni Moreno na galing sa kaniya ang direktibang buuin ang naturang ordinansa.


Ayon kay Moreno, nais niyang matigil ang pagtitinda ng GSM o galing sa magnanakaw na cellphone sa siyudad para wala nang estudyanteng ma-snatchan o ma-hold up.

May posibilidad na ipasara ng lokal na pamahalaan ang establisyimentong lalabag sa ordinasang ipinatupad.

Kasama sa mga binabantayan ngayon ng awtoridad ang mga stall sa loob ng isang mall sa Recto na umano’y binabagsakan ng mga GSM na mobile phone.

Facebook Comments