Pagtitiwala ng publiko sa justice system, nanumbalik dahil sa makasaysayang hatol sa Maguindanao Massacre

Umaasa ang Commission on Human Rights na mas nanumbalik ang pagtitiwala ng publiko sa sistema ng katarungan sa bansa ng ibinabang guilty verdict ng korte sa Maguindanao Massacre.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, pinagtibay ng desisyon ang prinsipyo ng due process at rule of law dahil napatunayan na nanaig ang katotohanan.

Ito aniya ang pinakamabisang proteksyon ng publiko laban sa anumang anyo ng pang-aabuso na banta sa dignidad ng buhay.


Pinapurihan din ni de Guia si Judge Jocelyn Solis-Reyes sa pagresolba sa kaso base sa merito ng mga ebidensya.

Gayundin ang Korte Suprema na nanindigan at pinabilis ang proseso ng paglilitis.

Kabilang ang CHR sa aktibong tumulong sa imbestigasyon 2009 sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga investigators, abogado, at forensics team sa lugar na pinangyarihan ng karumal-dumal na krimen.

Facebook Comments