Pinasalamatan ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri ang pagtiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mababayaran ng PhilHealth ang ₱930 million na utang sa Philippine Red Cross o PRC.
Ayon kay Zubiri, ang PRC ay mahalagang ka-partner ng gobyerno sa pagsasagawa ng COVID-19 test sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa mga Local Government Units na kailangang ipa-test ang kanilang nasasakupang mamamayan.
Diin ni Zubiri, dapat mabayaran ang utang sa PRC para maituloy nito ang pagsasagawa ng malawakan at mas murang COVID-19 test.
Ipinagmalaki ni Zubiri ang pagiging non-profit organization ng PRC na maituturing na frontline organization para sa mamamayan lalo ngayong may pandemya.
Facebook Comments