Pagtugis sa 80 iba pang akusado ng Maguindanao massacre, pinaigting

Pinaigiting na ng mga awtoridad ang paghahanap sa iba pang akusado ng Maguindanao massacre.

Ayon kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco – magpapakalat sila ng mga wanted poster ng 80 akusado na patuloy na nagtatago sa batas.

Tiniyak naman ni PNP spokesperson, Brigadier General Bernard Banac – na gagawin nila ang lahat para mahuli ang mga ito.


Pero aminado si Banac na mahirap itong gawin.

Sinabi naman ni AFP spokesperson, Brigadier General Edgard Arevalo – handa silang tumulong sa pagtugis sa mga ito.

Samantala, nanawagan naman si Maguindanao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu sa gobyerno na dagdagan ang suportang pinansyal sa ilalim ng witness Protection Program (WPP) dahil isyu pa rin ang seguridad ng mga kaanak ng mga biktima.

Facebook Comments