Nakukulangan si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa ginagawang tugon ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa pagtaas na presyo ng mga karneng baboy at manok.
Giit ni Zarate, hindi pwedeng price ceiling o price freeze lang palagi ang sagot ng pamahalaan para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Pinuna rin ng mambabatas ang hakbang ng DA na mag-angkat ng mga karneng baboy na aniya’y sa halip makatulong ay lalo lang pumatay sa kabuhayan ng mga local farmers.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Zarate na i-subsidize ng gobyerno ang mga produkto ng mga magsasaka at ibang producers gaya ng ginawa noong nakaraang taon.
Pwede rin aniyang bilhin ng gobyerno sa tamang presyo ang mga produkto saka ito ibenta nang mas mura sa mga konsyumer.
Facebook Comments