PAGTUGON NG KAPULISAN SA PANGASINAN, PINATIBAY NG UNIFIED 911

Sa paglunsad kamakailan ng Department of Interior and Local Government o DILG ng Unified 911, mas maagap ang nagiging pagresponde ng awtoridad sa mga tinatawag na insidente.

Sa tala ng Pangasinan Police Provincial Office, nitong September 8 hanggang 14, iba’t-ibang mga insidente ang mabilis umanong natugunan ng pulisya.

Mayroong siyam na tawag sa police assistance, o mga pagtugon sa mga kaguluhan ng barangay, anim naman ang natugunan na mga vehicular incidents, isang kaso ng itinawag na paggamit ng ipinagbabawal na boga, at ang iniulat na nawawalang indibidwal ay matagumpay na nahanap at naibalik sa pamilya.

Nauna nang hinikayat ng DILG ang paggamit sa 911 hotline sakaling mangailangan ng tulong, habang iginiit din ang pag-iwas sa prank calling upang hindi maging sagabal sa pagbibigay ng pagresponde sa mga totoong nangangailangan ng tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments