Pagtugon sa climate change, tatalakayin ng European Union sa Makati City ngayong Biyernes

Muling iginiit ng European Union ang kahalagahan ng pagtugon sa kinakaharap ng buong mundo, ang mabilis na pagbabago ng klima, kaya’t magsasagawa sila ng Roundtable Discussion tungkol sa Climate Action sa darating na Biyernes, October 28, 2022 sa Dusit Hotel sa Makati City.

Ang naturang okasyon ay kapwa ipatutupad sa online at face-to-face, kung saan magtitipon-tipon ang mga environment officer and sustainability practitioners mula sa Non-Government Organizations, local governments, at business sector sa ba1nsa.

Layon ng hybrid event ay para talakayin ang estado ng papel na ginagampanan ng mga mananaliksik sa Pilipinas sa pagtugon sa problema na kinakaharap ng mundo, ang climate change.


Aalamin din kung papaano makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga European researcher sa pagtugon ng malaking hamon sa climate change

Inaasahan na dadalo at magbibigay ng talumpati sina Ms. Ana Isabel Sánchez Ruiz, ang EU Delegation’s to the Philippines Chargé d’affaires; Mr. Anastasios Kentarchos, Adviser, Climate Science and Innovation for the European Commission; Mr. Giovanni Serritella, Programme Manager, EU Delegation to the Philippines ; Engineer Nathaniel Lubrica, Team Leader, Geomatics for Disaster Reduction of the University of the Cordilleras; at Dr. Gay Jane Perez, Deputy Director General, Philippine Space Agency.

Ang naturang forum ay dadaluhan ng iba’t ibang stakeholders to the EU Delegation to the Philippines gaya ng European External Action Service, European Commission, Euro Access to Sustainable Energy Programme-Clean Energy Living Laboratories, EURAXESS, Philippines, Department of Science and Technology, Climate Change Commission Philippines, Philippine Space Agency, University of the Cordilleras, at University of San Carlos.

Ang naturang okasyon ay may kaugnayan sa EU’s Climate Diplomacy Week at post-activity para sa selebrasyon ng World Space Week.

Facebook Comments