Pagtugon sa pangangailangan ng OFWs, hindi maaapektuhan habang nasa proseso ng pagtatag sa DMW

Sa budget briefing ng Kamara ay tiniyak ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi maaapektuhan ang kanilang pagtugon sa pangangailangan ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ito ay sa kabila ng paglipat ng ilang attached agencies ng DOLE nito sa bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay Laguesma, lumagda sila ng kalihim ng DMW sa isang join circular noong nakaraang Hulyo, upang pabilisin ang transition process ng paglipat ng OWWA, POEA at National Maritime Polytechnic sa DMW.


P25.9 billion ang 2023 proposed budget para sa DOLE habang P15.210 billion naman ang para sa DMW.

Facebook Comments