Pagbabakuna kontra COVID-19, inilapit na rin sa mga paaralan sa Bicol Region

64

Inilapit na rin ng Department of Health (DOH) Region 5 ang pagbabakuna sa mga paaralan bilang bahagi ng pagpapalakas sa immunization sa komunidad.

Kaugnay nito, malaking bilang ng mga estudyante sa rehiyon ang nakatanggap ng booster shots.

Maging sa mga astrodome sa mga lalawigan sa Bicol Region ay puspusan ang pagbabakuna.


Partikular na dumadagsa sa vaccination centers ang mga bata at mga nakakatanda.

Sa harap ito ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na pagluluwag sa pagsusuot ng face mask sa labas ng mga tahanan.

Facebook Comments