Pagtugon sa problema ng pabahay sa bansa, tinututukan na ng Department of Human Settlements and Urban Development

Tinututukan na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang aabot sa 6.5 milyong housing backlogs sa bansa.

Kaungay nito ay nakipagpulong na ang ahensya sa mga Metro Manila mayors upang matuldukan ang problema sa housing sector.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, lumalabas na mayorya ng 3.7 milyong informal settler families (ISF) sa bansa ay mula sa Metro Manila.


Umani naman ng positibong tugon ang layunin ng ahensya mula sa mga alkalde at nagpahayag ng suporta para sa mga long-term solutions na ilalatag laban sa problema ng pabahay.

Sinisinilip na rin nito ang partisipasyon ng private developers at financial institutions upang mapabilis ang pag-usad ng mga proyekto.

Asahan naman ang pag-arangkada ng mga karagdagang dayalogo sa Metro Manila Local Government Units (LGUs) para maplantsa ang housing program.

Mababatid na 500,000 sa mga ISF ay nakatira sa mga high risk area tulad ng slum area, katapat ng riles ng tren, tabi ng ilog, estero at iba pa.

Facebook Comments