Pagtugon sa sakuna, dapat palakasin pa ng bansa

Kailangan pang palakasin ang kakayahan ng bansa na tumugon sa mga sakuna.

Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr., kasabay ng pagpuri sa Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent na tumulong sa mga biktima ng lindol sa Türkiye.

Ayon kay Galvez, ang Pilipinas ay hindi nauubusan ng mga magigiting na indibidwal na walang takot na humaharap sa panganib para makatulong sa kapwa.


Aniya, ang nangyaring lindol sa Türkiye at Syria ay isang trahedya na maari ring mangyayari sa Pilipinas.

Kaya hindi aniya dapat magpakampante at patuloy na pahusayin ng bansa ang kakayahan sa disaster prevention, mitigation, response, rehabilitation, at recovery efforts.

Kasunod nito, muling magsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang pamahalaan, bilang paghahanda sa tinaguriang “the big one” na maaring mangyari anumang araw dulot ng paggalaw ng West Valley Fault.

Facebook Comments