Pagtukoy ng mga taong may pagkukulang sa nangyayaring krisis ngayon sa Marawi City, ayaw pang atupagin ng Defense Dept.

Manila, Philippines – Hindi muna pagtutuunan ng pansin ng Defense Department kung sino ang dapat managot sa nangyayaring krisis ngayon sa Marawi City.

Lumalabas kasi na na-monitor ng intelligence community ang presensya ng mga teroristang ISIS na malayang nakapasok sa siyudad pero binalewala nila ito o tinawag nilang failure of appreciation.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana itutuon muna ngayon ng pamahalaan na tapusin ang krisis sa Marawi nang sa ganun masimulan ang rehabilistasyon at reconstruction sa lungsod para manumbalik sa normal ang pamumuhay ng mga sibilyan.


Ang tanging magagawa sa ngayon ng militar ay pag -aralan ang mga naging kakulangan nila nang sa ganun hindi na maulit pa sa ibang lugar sa bansa ang ginawa ng teroristang ISIS sa Marawi.

Facebook Comments