Pagtutuunan muna ng pansin ng Philippine Genome Center (PGC) ang pagtukoy sa mga COVID-19 variants.
Sa pamamagitan ito ng pagbabawas ng ahensiya ng kanilang COVID-19 testing.
Ayon sa Department Of Health (DOH), mula sa 150 hanggang 200 swab tests, lilimitahan na ito sa 50 tests kada araw.
Habang mula naman sa 750 tests na pinoproseso kada linggo, makapag-sasagawa na ng 1,500 genome sequencing ang PGC sa mga susunod na araw.
Nabatid na bahagyang gumanda ang genome sequencing sa bansa matapos maglaan ng P295.7 milyon alokasyon ang pamahalaan upang mas matukoy pa ang COVID-19 variants.
Nagagamit ang pondo para matukoy ang mga COVID-19 variant na nagmumula sa Visayas at Mindanao.
Facebook Comments