Sa tingin ni Senator Panfilo Ping Lacson hindi makakaapekto sa pagkabinbin sa senado ng panukalang charter change o chacha ang pagsusulong dito ni Pangulong Rodrigo Duterto.
Paliwanag ni Lacson, hindi ganun kasimple ang bilin ni Pangulong Duterte na i-amend ang konstitusyon.
Sabi ni Lacson, kumplikado ang chacha lalo’t hindi pa nalilinaw kung paano ang sistema ng magiging botohan dito ng mga senador at kongresista.
Diin ni Lacson, hindi papayag ang Senate na mag-constitute ang buong kongreso bilang Constituent Assembly hangga’t hindi nalilinaw ang mode of voting nila para sa chacha.
Facebook Comments