Pagtuligsa ng mga dating rebelde sa NPA sa Cordillera, pinangunahan ni PNP Chief Camilo Cascolan

Nanguna si PNP Chief Police General Camilo Cascolan sa pagtuligsa sa mga myembro ng New Peoples Army (NPA) sa Cordillera kasama ang mga dating NPA sa pagbisita nito sa PRO-Cordillera sa Camp Dangwa, La Trinidad Benguet ngayong araw.

Kanina sumuko sa pulisya ang 256 kasapi ng kilusang komunista na binubuo ng 92 regular na miyembro ng NPA, 139 na Milisya ng Bayan at 25 na mga supporter sa Cordillera Region.

Kabilang sa mga nagbalik loob na iniharap kay PNP Chief ang isang dating NPA na kasama pa ang kanyang sanggol.


Iprinisinta naman kay PNP Chief ang mga armas na isinuko ng mga NPA sa iba’t ibang Police Provincial Office ng PNP sa rehiyon.

Bilang bahagi rin ng kanyang pagbisita sa kampo, sinaksihan din ni PNP Chief ang pagsusunog ng 219 na kilo ng marijuana na nakumpiska ng PROCOR at PDEA sa Cordillera Region.

Facebook Comments