PAGTULONG NG BOUNTY CARES FOUNDATION INC. SA BANTAY KALUSUGAN OUTREACH PROGRAM NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, SELYADO NA

Tuloy na tuloy na ang pagtulong ng isang kumpanya sa isang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na Bantay Kalusugan Outreach Program.
Pirmado na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Gob. Ramon Guico III at ng Bounty Cares Foundation Inc., President Tennyson G. Chen ang memorandum of agreement kung saan tutulong ang nasabing kompanya sa pamimigay ng dalawang libong kilo (2,000k) ng manok buwan-buwan sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para sa outreach program ng probinsya.
Epektibo ang ang nasabing kasunduan simula nitong Mayo 29, 2023 hanggang Hunyo 2025.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, malaking tulong ang nasabing kasunduan dahil mas marami pa ang maabutan ng tulong at mas maraming pamilya ang mapapakain ng programang ito ng probinsiya.
Samantala, naging saksi sa kasunduan sina Bounty Cares Foundation Inc. Vice President Dra. Ebelita Rosario at ng PSWDO Head na si Annabel Terrado Roque. Naroon din ang ilang kawani ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments