Pagtulong ng NDFP sa operasyon ng militar sa Marawi, inaasahang magpapanumbalik sa peace talks

Manila, Philippines – Umaasa si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na makakabuti ang pagtulong ng National Democratic Front of the Philippines sa operasyon ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Zarate, malaki ang kanyang pag-asa na sa kooperasyon na ito ng pwersa ng gobyerno at ng NDFP ay maitutuloy muli ang naudlot na usapin ng dalawang panig.

Maituturing aniya na itong historic cooperation sa pagitan ng gobyerno at NDFP dahil sa sabay na paglaban sa teroristang grupo na Maute.


Bukod sa kauna-unahan ang pagtutulungan na ito sa kasaysayan ng bansa, umaasa din si Zarate na hindi lamang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan kundi sa lalong madaling panahon ay matapos na rin ang martial law sa Mindanao.

Ikinatuwa naman ni Zarate ang development na ito at hinimok ang publiko na huwag pagdudahan ang inialok na tulong ng NDFP sa pamahalaan.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments