“Extraordinary times need extraordinary measures”.
Ito ang inihayag ni Philhealth President and CEO Ricardo Morales kasunod ng inilunsad na Interim Reimbursement Mechanism (IRM) para sa mga health facilities bansa.
Nabatid na una nang sinabi ng Philhealth na nasa proseso na sila ng evaluation sa second wave ng IRM bilang tugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), Region 3, Region 4, Region 7 at Region 8, kung saan full capacity na rin at nasa critical level ang mga ospital.
Nilinaw naman ng Philhealth na ibinase nila ang inilabas na IRM sa historical claims ng mga ospital at pagsailalim sa application, evaluation, validation at recommendation sa level ng Philhealth Regional Offices at approval ng Head Office.
Matatandaang nitong May 2020 nang baguhin ng Philhealth ang estratehiya nito sa paglalabas ng IRM, sa mga high-risk areas at mga lugar na tinututukan ng gobyerno.
Samantala, makikipagtulungan naman ang Philhealth sa Philippine Red Cross (PRC) bilang pagsunod sa Bayanihan We Heal as One Act at para magbigay tulong sa publiko sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Layon ng pagkakaisa na masigurong maayos ang pagtugon ng mga healthcare system at may sapat na pondo para dito.