Nanawagan sa mga Pilipino si Vice President Leni Robredo na alagaan ang mga pamilyang naghihirap sa panahon ng pandemya.
Ayon kay VP Leni, iba’t ibang uri ng paghihirap ang dinaranas ng mga Pinoy kaya’t nanawagan itong tratuhin ang ating kapwa bilang pamilya at tumulong sa kahit anong paraan na ating kaya.
Bukod sa Metro Manila, ramdam rin ang epekto ng Delta variant sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao kaya’t itinaas din ang community quarantine levels sa mga probinsyang ito.
Kilala ang opisina ni VP Leni sa mga ahensya na may pinakamaraming nasimulang programa pagdating sa pag-responde sa COVID-19 pandemic.
Kabilang na rito ang; pagbibigay ng libreng teleconsultation services sa Bayanihan E-Konsulta; libreng COVID-19 testing sa Swab Cab; pagsasagawa ng Vaccine Express; pagbibigay ng mga personal protective equipment at pagtatayo ng temporary shelters para sa mga frontliners.
Ilan ding mga inisyatibo ang pagtatayo ng mga Community Learning Hubs para sa mga kabataang apektado ang pag-aaral sa distance learning, at marami pang iba.