PAGTULONG SA PAMILYA NG NAMAYAPANG PULIS, ISASAGAWA NG PNP CAUAYAN

Muling mamimigay ng tulong ang pamunuan ng Cauayan City Police Station sa pamilya ng namayapang pulis dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa ating panayam kay PMaj. Esem Galiza, Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan, nakatakdang magtungo ang kapulisan sa October 13, 2022 sa pamilya ni late Police Corporal Jun Somera sa barangay Cabaruan para abutan ng tulong.

Bahagi aniya ito ng “Kalinga para sa pamilya ng mga namayapa at sugatang pulis” program at best practices na isinasagawa ng bawat himpilan ng pulisya sa rehiyon dos.

Ayon kay Maj. Galiza, mag isang taon pa lamang na nagsilbi si CPL Somera sa PNP Cauayan nang tamaan na ito ng sakit na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Bibigyan ng bigas, grocery packs at token ang naulilang pamilya ni Somera na personal na iaabot ng PNP Cauayan

Inihayag ni Galiza na layunin ng nasabing programa na maipadama ang kanilang tulong sa mga naiwang pamilya ng mga namayapang pulis ganun din sa mga nangangailang pamilya ng pulis.

Isasagawa muli ang susunod na bugso ng nasabing programa sa darating na buwan ng Nobyembre para naman sa iba pang benepisyaryo.

Facebook Comments