Pagturing sa Pilipinas bilang ‘Land of COVID-19’ ng isang pahayagan sa Thailand, bunga ng kumpetensya ng 2 bansa sa turismo

Hindi maitanggi ng Malacañang na pangit o sadyang hindi maganda ang impresyon ngayon sa Pilipinas ng ibang mga bansa makaraang lumabas sa isang pahayagan sa Thailand na ang mga Pilipinong dumating kamakailan doon ay sinabing galing sa ‘Land of COVID-19.’

Gayunpaman, itinuro ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa pagiging magka-kumpetensiya ng dalawang bansa sa usapin ng turismo ang insidenteng ito.

Ito aniya ang posibleng naging motivation ng Thailand kaya ginawa at inilathala ang nasabing balita para ma-divert doon ang mga turistang gustong-gustong pumunta dito sa Pilipinas.


Ayon kay Roque, bagaman malapit na kaibigan ng Pilipinas ang Thailand, ito rin ang pinakamalapit nating ka-kumpetensiya kung ang pag-uusapan ay economic interests lalo na sa usapin ng turismo.

Facebook Comments