Dahil sa layuning mabigyan ng kaalaman ang publiko ukol sa mental health, patuloy na isinasagawa ng DOH-Region 1 ang mga aktibidad sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Bilang pakikiisa sa Mental Health Week 2023, isinagawa ang “Lusog-isip Caravan” na programa ng ahensya sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mental health.
Umabot sa 27 na mga paaralan sa rehiyon ang nabisita na ng naturang programa.
Sa naging pagtatapos ng programa, nakatanggap ng iba’t ibang kaalaman ang mga estudyanteng nasa edad 13-17 taong gulang sa Dagupan City National High School.
Samantala, sa naging monitoring ng Health Emergency Alert Reporting System (HEARS) ay bumaba ang kaso ngayon na may kaugnayan sa mental health-related na pagkamatay sa Ilocos Region ngayong taon kung saan mula Enero 1 ngayong taon hanggang ika-tatlumpo ng Agosto ay mayroong 34 na kaso ng suicide sa Ilocos Region kumpara sa 60 kaso noon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments