Pagtutol ng Pilipinas sa 10-dash line map ng China, walang ibang option kundi ang diplomatic protest

Walang ibang pagpipilian ang pamahalaan kundi idaan sa diplomatikong pamamaraan ang protesta laban sa bagong 10-dash line map ng China.

Ayon kay Senate Committee on Foreign Relations Chair Senator Imee Marcos, hindi kikilalanin ng bansa ang naturang mapa ng China.

Ipinunto ni Marcos na maski ang mga bansang Vietnam at India ay hindi rin ito tanggap at marami nang kalapit na bansa ang nagpaabot ng pagtutol laban dito.


Magkagayunman, kahit mainit na aniya ang ulo natin at pikon na pikon na tayo sa kakaibang ginawa ng China, wala tayong magagawa kundi gawin ang “first line of defense” at ito ay ang diplomasya.

Sinabi pa ng senadora na tiis-tiis lamang ang bansa dahil ang pag-uusap, pangungulit at pakikipagdayalogo ay mas mainam pa rin kaysa naman mauwi ito sa gyera.

Facebook Comments