Manila, Philippines – Suportado ni Buhay PL Rep. Lito Atienza ang pagtutol ni Pangulong Duterte sa same sex marriage.
Sinabi ni Atienza na tama lamang ang pahayag ng Pangulo na hindi para sa bansa ang same sex marriage dahil tayo ay isang Katolikong bansa.
Malinaw aniya na nakasaad sa civil code ng bansa na ang pagpapakasal ay para lamang sa lalaki at babae sa layuning bumuo ng pamilya.
Hinihimok ni Atienza ang publiko na huwag gayahin ng mga Pilipino ang western culture at panahon na ang Pilipinas naman ang maging halimbawa sa mga westen countries.
Nilinaw naman ni Atienza na iginagalang niya ang karapatan ng mga nasa LGBT na magmahalan pero ibang usapin ang pagpayag na magpakasal ang mga ito.
Facebook Comments