Pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatura, malaking ambag sa paglago ng ating ekonomiya

Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pinakahuling pagtaya ng World Bank na lalago ng 6-percent ngayong ang gross domestic product o GDP ng Pilipinas.

Para kay Romualdez, malaking ambag sa patuloy na paglakas ng ating ekonomiya ang pagtutulungan ng Executive at Legislative branches ng ating gobyerno.

Ayon kay Romualdez, ipinapakita rin ng upgraded forecast ng World Bank na tama ang direksyon na ating tinatahak patungo sa pagbangon at pag-unlad.


Diin ni Romualdez, bunga rin ito ng katatagan ng mamamayang Pilipino, dynamism sa sektor ng negosyo at pagiging epektibo ng ating economic fundamentals.

tinukoy ni Romualdez na malaking bagay din sa pag-usad ng bansa ang komprehensibo at inclusive na economic agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.

Kaugnay nito ay tiniyak naman ni Romualdez na ang Mababang Kapulungan ay mananatiling nakatutok sa mga panukalang batas na kailangan para magpatuloy ang mabilis na paglago ng ekonomiya na para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments