Nasa 7,000 botante, kakasuhan ng COMELEC dahil sa double registration

Kakasuhan ng Commission on Elections (COMELEC) ang nasa 7,000 botante dahil sa double registration o pagpaparehistro ng higit sa isang beses.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudianco, nadiskubre ng komisyon sa pamamagitan ng fingerprint identification system na sinadya ng mga ito ang pagpaparehistro upang maging flying voter.

Dagdag pa ni Laudiangco, inaasahang madaragdagan pa ang kanilang makakasuhan sa mga susunod na buwan.


Target ng COMELEC na malinis ang listahan ng mga botante sa darating na Oktubre.

Facebook Comments