Pagtuturo ng disaster risk education primary schools, iginiit ng isang senador

Iginiit ni Senador Sonny Angara ang mahigpit na pagpapatupad ng disaster risk education sa mga paaralan.

 

Ayon kay Angara, mahalaga na sa murang edad ay maihanda ang mga kabataan sa mga kalamidad at magkaroon ng sapat na kaalaman kung paano nila maililigtas ang kanilang sarili at kanilang mga mahal sa buhay.

 

Sabi ni Angara, dapat mabigyang ng importansya sa lesson plans ng mga guro “preparedness skills” upang madaling matutunan ng mga bata ang mga dapat gawin na maibabahagi rin nila sa kani-kanilang pamilya.


 

Diin ni Angara, ang Pilipinas ay lapitin ng iba’t ibang kalamidad tulad ng lindol at mga malalakas na bagyo kaya kailangang ang bawat isa pati ang mga bata ay may malawak na kaalaman upang maiwasan ang kapahamakan.

Facebook Comments