Pagtuturo ng lenggwahe ng mga bansa sa ASEAN, nais isama ng DepEd sa curriculum

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) kung papaano isasama sa education curriculum ng Pilipinas ang pagtuturo ng mga lenggwahe ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ito ay upang lalong maging matatag ang ugnayan at pagkakaisa ng mga bansang kasapi ng naturang asosasyon.

Sa talumpati ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng ASEAN, sinabi nito na mas lalong bibilis ang ugnayan ng mga bansa sa Southeast Asian Region kung nagkakaunawaan sa mga lenggwahe ng bawat bansang kasapi.


Aniya, mahalagang malinang ang mga kabataan ng ASEAN sa pagtuklas ng mga kultura ng mga bansang kasapi nito dahil sila ang susi sa mas mahaba pang samahan ng ASEAN tungo sa pag-unlad sa hinaharap.

Samantala, nanawagan din si VP Sara sa mga bansang kasapi ng ASEAN na ituro sa mga paaralan ang mga lenggwahe ng mga bansang kasapi nito.

Facebook Comments