Alert Level 1, mananatili sa Israel ayon sa DFA

88

Mananatiling nasa Alert Level 1 ang bansang Israel.

Sinabi ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng pagdedeklara ng ceasefire sa pagitan ng Israel at ng Palestinian Islamic Jihad militant group sa Gaza strip.

Umaasa naman ang DFA na magpapatuloy ang kapayapaan sa pinag-aagawang lungsod at respetuhin ang mga panuntunan ng ceasefire.


Sa kabutihang palad ay wala pang nai-ulat na nadamay sa 106 na Pilipino na nakatira o nagtatrabaho sa Gaza.

Patuloy naman ang pagtutok ng kagawaran sa sitwasyon doon sa pamamagitan ng Tel Aviv at Amman embassies nito at inabisuhan ang mga Pilipino na manatili muna sa loob ng bahay hangga’t maaari.

Facebook Comments