Pagtuturo ng personal financial literacy sa TVET, aprubado na sa Kamara

Sa botong pabor ng 246 na mga kongresista ay inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No.9292 o panukala na layuning mabigyan ng paunang kaalaman ang mga estudyante kaugnay ng tamang paghawak ng kanilang pera.

Itinatakda ng panukala na gawing mandatory ang pagsasama ng Personal Financial Literacy Course (PFLC) sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) curriculum ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kasama sa ituturo sa PFLC ang konsepto ng personal finance; time value ng pera; pangungutang, pag-iimpok, at paggamit ng digital payment platform.


Inaatasan ng panukala ang TESDA na makipag-ugnayan sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Finance, Securities and Exchange Commission, at Insurance Commission sa pagbuo ng academic standards, curricular, at materials para sa PFLC.

Din ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mahalaga na mapalakas ang financial education ng mga Pilipino upang hindi masayang ang kanilang pera at sila ay makagawa ng angkop na desisyon.

Facebook Comments