Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa pinapayagan ang pagtuturok ng booster shots sa Pilipinas.
Kasunod ito ng paglalaan ng gobyerno ng P45 billion na pambili ng COVID-19 booster shots sa 2022.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje na marami pang pag-aaral ang ginagawa ng mga eksperto para sa posibleng pagbibigay ng booster shots.
Pero sakaling irekomenda na ito ng DOH, posibleng masimulan ang pagtuturok ng booster shot sa ikalawang kwarter ng 2022.
Uunahin ding turukan ang mga health workers dahil sila ang nasa frontline ng laban ng bansa sa COVID-19 gayundin ang mga immunocompromised.
Facebook Comments