Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte.
Na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang lindol bandang alas-12:05.
Natunton ang episentro ng lindol 15km North West ng Pagudpud, Ilocos Norte.
May lalim itong 30km at tectonic o banggaan ng plates sa ilalim ng lupa ang dahilan.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Adams, Bacarra, Bangui, Burgos, Dingras, Dumalneg, City of Laoag, Pagudpud, Pasuquin, Sarrat, at Vintar, Ilocos Norte; Lacub, Abra;
Intensity 4 – Magsingal, Ilocos Sur
Intensity 3 – City of Ilagan, Isabela
Intensity 2 – Peñablanca, Cagayan
Instrumental Intensities:
Intensity 6 – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity 5 – City of Laoag, Ilocos Norte
Intensity 4 – Sinait, and City of Vigan, Ilocos Sur; Claveria, Cagayan
Intensity 3 – Gonzaga, Cagayan; City of Ilagan, Isabela
Intensity 2 – Solsona, Ilocos Norte; Peñablanca, Cagayan
Ayon sa PHIVOLCS, asahan na mayroong pinsala ang nabanggit na lindol habang wala naman nang inaasahan pang aftershock na dulot ng 5.4 na magnitude na lindol.