Tuluyan na ngang nagwithdraw si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ng kandidatura sa pagka-presidente.
Ayon kay Dela Rosa, ang kanyang hakbang ay base sa desisyon ng kinaanibang PDP Laban.
Sabi ni Dela Rosa, sumusunod lang sya sa deriktiba ng partido.
Magugunitang marami ang nagulat ng bigla syang maghain ng kandidatura sa pagkapangulo sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC).
Ilang beses din nyang kinausap si Davao City Mayor Sara Duterte na noon ay inaasahan na magsa-substitute sa kanya para maging standard bearer ng partido.
Pero hindi ganito ang nangyari dahil si Mayor Sara ay naghain na kanina ng ng kandidatura sa pagkabise presidente sa ilalim ng paritdo Lakas-CMD.
Facebook Comments