Pagyanig ng Magnitude 4.8 na Lindol sa Nagtipunan, Quirino, Nag-iwan ng bahagyang Pinsala!

Cauayan City, Isabela- Bahagyang nagkabitak ang mga pader ng ilang bahay at gusali sa Lalawigan ng Quirino matapos na yanigin ng magnitude 4.8 na lindol ganap na 10:28 kagabi partikular sa bayan ng Nagtipunan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Reynold Gonzalez, tagapagsalita ng PNP Quirino, wala pa naman aniyang natatanggap na report ang kanilang himpilan kung may mga nasugatan o casualty maliban lamang sa ilang mga bahay at gusali na bahagyang napinsala.

Kaugnay nito, nananatili pa rin nakaalerto ang buong hanay ng PNP sa Lalawigan at nakatakda ring magsagawa ng earthquake drill ngayong araw.


Samantala, nagpulong na kahapon sa kanilang Provincial Capitol ang PDRRMC Quirino kasama ang ilang mga ahensya bilang paghahanda na rin sa paparating na bagyong ‘Ramon.’

Facebook Comments